(via heypritchelle)
\川・o・川/We look awesome together!
YAAYYY! One happy day for us two, here at my place with my love. Sinusulit na din kasi ang bakasyon. Sa 11, 4th monthsary na namin! Can’t waaaaait :”> ♥

More photos below! ☟
(via captainamericasey)
Super good vibes ☆
Nung nabasa ko yung mga good morning text niya kanina, Milo ang unang pumasok sa isip ko. Kasi “It’s a great way to start your day!” eh :) Grabe, ang daming message sa inbox ko, puro galing sa kanya! ![]()
- 5:51am
Goodmorniiiing baby koooo :***** wahaha, i miss youuuu >:DDDDD<
- 7:43am
Goodmorniiiing baby koooo :***** wahaha, i miss youuuu >:DDDDD< unli na po akoooo ^_____^
- 8:21am
O pamela *insert surname here*, napakaganda mo aking sinta. Alam mo bang miss na miss na kita? Kaya sana gumising ka na ! XD
ikaw lang ang aking iniisip sa buong araw, ang gusto ko lang makasama ay tanging ikaw. Walang katumbas ang pagmamahal ko sayo, ikaw lagi ang nagpapatibok ng aking puso <3
goodmorniiing babykoooo :D miss na kitaaa :))))) sana mapaganda ko umaga moooo >:*******~<
- 9:22am
Huuuuy.
- 9:30am
Mahal kooooo ! Gising ka naaa <3
- 9:38am
Gsing gsing gsing gsing, bangon na ! Bangon na ! Tumayo ka na dyan, tumayo ka na dyan. I love you ! I love you !
Ang kulit kulit kulit lang :> Kaya mahal ko yan eh. Nasa kama pa ako nung binabasa ko yang mga yan, sobrang kinikilig ako. Yung tipo ng kilig na napapa-irin/tili ka! Tapos feeling mo, siya yung unan mo; yakap-yakap mo, kagat-kagat mo pa. Yung tipo ng kilig na pagulong-gulong ka na sa kama. Ganong level!
Saan ka naman nakakita ng lalaking gagawan ka ng tula just ‘cause gusto niya lang? Yung lalaking kukulitin ka para gumising ka na. Yung lambing pa din ng lambing kahit na tulog ka pa. Sa mga maliliit na bagay na ginagawa niya, napapasaya niya ako. Dun ko nakikita na mahal niya ako, at mahal ko din siya. Sobrang blessed ako na parte siya ng buhay ko :”>
Matchy-matchy ʕ •ᴥ•ʔ
Sticker label para sa mga gamit ko:

Ginawan ko din si Chog:

Mahilig si Chog sa penguin kasi parehas daw sila ng lakad. Haha! Cuteness >:D< nakakalungkot lang tignan na magkaiba na kami ng school na papasukan ngayong school year *BOOOO*
Beyond my imperfections.
Ang saya ng araw na ito. Nakasama ko nanaman ang love ko ♥
Pumunta nanaman si Chog saamin. Linggo linggo na nandito eh! HAHAHA. Dito nagtatanghalian, dito nagmemeryenda, dito nagdodota! Umaabuso na to eh! Nanood rin kami ng My Super Fan Girl. Nakayakap ako sa kanya habang nanonood ‘cause YOLO! Hahahaha! Natatawa ako sa kanya kasi imbis na yung bida na girl ang mapansin, puro sabi na ang pogi ni Kimpoy! Hahahaha. Hindi siya bading, ganon talaga kasi ako lang ang maganda sa paningin nun ;) Kalerki din kanina kasi first time ko siyang nakita man-trash talk! Ang lakas putek kaka turn-on ♥ Pero syempre, yung nasa lugar naman.
Natutuwa ako na pinunasan niya yung mesa pagkakain namin, kahit hindi ko siya inutusan :) Naglaro kami ng Y8 pakatapos. Nag games na rin sa facebook. Sad to say, lagi akong talo kasi pinagbibigyan ko siya. HAHAHA. Joke :(
Tapos kinagabihan pag-uwi niya, tinext niya ako.

Sino bang hindi hahaba ang hair dito? :”)
Good morning text message, like a bhosx.
You’re the reason I wake up early
I don’t know why are you so lovely
You are a beautiful dude
You’re my favorite food
Tinext to sakin ni Chog, May 21. Hindi namin monthsary at wala namang sini-celebrate, pero ba’t ako binabanatan ng ganito nito??? :o
Though my guy is really poetic, it was unusual for him to make an English poem so this right here is very special ♥ 7:00 am palang nun pero nabuo na agad niya ang araw ko :”> Yung kwento nung “you’re my favorite food”, inaasar niya yung poem ni Phil kay Arlyn. Haha. Loko talaga baby ko :)



